Nasa 279 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.
Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 3:30, Huwebes ng hapon (June 10), sa nasabing bilang ay 65 ang aktibong kaso.
Naitala ang pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Barangay Putatan at Alabang na umabot sa 44 cases.
Narito ang kaso ng COVID-19 sa mga sumusunod ng barangay:
– Tunasan – 30
– Poblacion – 36
– Buli – 4
– Ayala Alabang – 32
– Bayanan – 16
– Cupang – 32
– Sucat – 41
354 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 37 ang suspected cases.
Samantala, 179 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang nananatili sa 35 ang nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.