Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang June 10, umakyat na sa 5,469 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 51 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,713 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
20 naman ang gumaling pa kung kaya 2,366 na overseas Filipinos na ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, umakyat naman sa 390 ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 3,385 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 864 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 669 naman ang kaso sa Americas at 551 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tutukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.