Public address ni Pangulong Duterte, isasagawa sa June 15 – Palasyo
Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang haharap sa taong bayan sa June 15 para i-anunsyo kung ano ang magiging kalagayan ng bansa pagdating sa community quarantine dahil sa COVID-19.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, kaunting hintay na lamang at malalaman na rin ng publiko kung ano ang magiging kahihinatnan sa mga lugar na nasa GCQ.
Nasa GCQ pa ang Metro Manila, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Pangasinan, Albay, at Davao City hanggang sa June 15.
Umapela rin ang Palasyo sa mga nagli-leak ng dokumento na iwasan na muna ang pagsasapubliko ng mga papeles.
“Konting hintay nalang po, mismong si Presidente Duterte po ang haharap at kakausap sa taumbayan sa Lunes, June 15 para ianunsyo ito. sa mga nagleleak ng dokumento, hayaan niyong si Presidente muna ang mag-announce. Hindi po natin pangungunahan ang Presidente sa kanyang announcement and besides meron pa pong mga apela na mangyaayri so ‘yung listahan po ay hindi pa final,” pahayag ni Roque.
Paalala pa ni Roque, maari lamang maging fake news ang pagli-leak ng dokumento.
“So kung kayo po ay magququote sa leak document maaari pa po yang magbago at maging fake news ang inyong ibabalita,” pahayag ni Roque.
Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang Department of Social Welfare and Development sa local government units para sa pagbabago ng shift ng community quarantine.
“Sapat naman po kasi tingin ko ang desisyon lang naman na hinihintay ng taumbayan, ano ang mangyayari sa Metro Manila, ano ang mangyayari sa Cebu City. And the only options are either magiging modified general community quarantjne or magiging GCQ, or babalik sa MECQ. Pero hindi po masyado, kumbaga, bago o different yung mga classification na pwedeng papuntahan ng Metro Manila at ng Cebu City. So I don’t think it will be an issue na it would be one day announcement,” pahayag ni Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.