Nakataas pa rin ang rainfall advisory sa Laguna at Batangas.
Sa abiso ng PAGASA bandang 2:00 ng hapon, ito ay bunsod pa rin ng umiiral na low pressure area (LPA) at Southwesterly windflow.
Sinabi ng weather bureau na asahan ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Laguna at Batangas.
Kaparahong lagay ng panahon din ang mararanasan na may kalat-kalat na pag-ulan sa bahagi ng Quezon.
Dahil dito, babala ng PAGASA sa publiko, bantayan ang huling lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.