2 Chinese na suspek sa kidnapping patay sa shootout sa Pampanga

By Dona Dominguez-Cargullo June 11, 2020 - 12:53 PM

Nasawi ang dalawang Chinese nationals na kapwa suspek sa kidnapping sa shootout sa mga pulis sa Pampanga.

Ayon sa Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) nangyari ang shootout Huwebes (June 11) ng umaga sa Forest Park sa Angeles City.

Nasugatan naman si Police Captain Mike Diaz ng PNP-AKG.

Nagtamo si Diaz ng tama ng bala ng baril sa kanang paa at agad dinala sa ospitala.

Na-recover sa pinagyarihan ng shootout ang dalawang cal. 45 pistols, M4 carbine, at Hyundai Starex van na ginamit ng mga suspek.

Ang nasabing van ay natukoy na ginamit ng mga suspek sa pagdukot sa tatlong Chinese nationals na sina Gang Yang, Yong Long Chen at Showang Wu.

Ang tatlo ay dinukot sa Pasay City at nailigtas sa Angeles City noong June 1.

Bago ikinasa ang follow-up operation dalawang lalaking Chinese ang naaresto ng PNP-AKG na kinilalang sina Yang Jun at Wu Ze Han.

Ang operasyon sa Angeles City na nagresulta sa pagkasawi ng dalawa pa ay bahagi ng follow-up operation.

 

 

TAGS: Angeles City, Inquirer News, Kidnapping, News in the Philippines, Pampanga, pnp akg, Radyo Inquirer, shootout, Tagalog breaking news, tagalog news website, Angeles City, Inquirer News, Kidnapping, News in the Philippines, Pampanga, pnp akg, Radyo Inquirer, shootout, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.