Red rainfall warning itinaas sa Romblon dahil sa nararanasang patuloy na pag-ulan

By Dona Dominguez-Cargullo June 11, 2020 - 09:40 AM

Nakararanas ng malakas at tuluy-tuloy na pag-ulan sa Romblon dahil sa umiiral na Low Pressure Area (LPA).

Sa inilabas na abiso ng PAGASA, red warning ang itinaas sa Romblon dakong alas 9:00 ng umaga ng Huwebes, June 11.

Yellow warning naman ang itinaas sa Catanduanes, Masbate kabilang ang Burias Island at Ticao Island.

Habang katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang nararanasan sa Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, at Northern Samar.

Pinayuhan ang mga residente na mag-antabay sa mga susunod pang abisong ilalabas ng PAGASA.

 

 

TAGS: Inquirer News, LPA, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, red warning, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, Inquirer News, LPA, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, red warning, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.