SAP beneficiaries pwede nang magparehistro sa Relief Agad App ng DSWD para sa 2nd tranche ng cash assistance

By Dona Dominguez-Cargullo June 11, 2020 - 10:13 AM

Maari nang magparehistro gamit ang App ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga benepisyaryo para sa ikalawang tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni DSWD spokesperson Irene Dumlao, ang mga tumanggap na ng SAP noong unang tranche ay pwede nang magparehistro sa Relief Agad App.

Ito ay para sa mas mabilis na proseso ng validation ayon kay Dumlao.

Sa sandaling mai-download ang Relief Agad App, kailangang i-scan ang bar code na matatagpuan sa social amelioration card forms.

Pagkatapos nito ay didiretso na sila sa registration.

Sa sandaling makapagparehistro na ay sasailalim na sa validation ng DSWD ang aplikasyon.

Dagdag pa ni Dumlao, sa pamamahagi ng ikalawang tranche ng SAP mayroong opsyon ang mga beneficiary kung paano nila nais matanggap ang pera.

Una ay mano-mano o gaya ng ginawang pamamahagi sa 1st tranche.

O kaya naman ay pwedeng sa pamamagitan ng online o digital gamit ang G-Cash, bangko, ATMs, at remittance centers.

Sinabi ni Dumlao na simula sa Lunes ay uumpisahan na ang prseoso ng pamamahagi ng 2nd tranche ng SAP.

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, dswd, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Relief Agad App, SAP beneficiaries, second tranche, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, dswd, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Relief Agad App, SAP beneficiaries, second tranche, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.