Batas na nagtatatag ng National Academy of Sports (NAS) System malaking tulong sa mga atleta

By Chona Yu June 11, 2020 - 09:52 AM

Umaasa ang Palasyo ng Malakanyang na magiging highly-talented at competent ang mga atletang Filipino sa bansa.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act Number 11470 na nagtatatag ng National Academy of Sports (NAS) System.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, umaasa ang palasyo na magkakakroon ng world class recognition ang mga atleta at patuloy na magbibigay ng karangalan sa bansa.

“Our country has proven its capability to compete internationally through its recent hosting of the 30th Southeast Asian Games, where we were also able to showcase the abilities of our athletes. The NAS System will further support the development of our student-athletes towards becoming highly-talented, competent, and exceptionally gifted athletes who will continue to give world-class recognition and pride to our nation,” pahayag ni Andanar.

Si Senador Bong Go ang may-akda at nagsulong sa senado na magtatatag ng National Academy of Sports System sa bansa

Sa ilalim ng bagong batas, isasama na sa secondary education program ang special curriculum sa sports.

 

 

TAGS: Inquirer News, National Academy of Sports, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Republic Act Number 11470, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, National Academy of Sports, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Republic Act Number 11470, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.