Mandatory COVID-19 tests sa lahat ng empleyado ng BI iniutos ni Commissioner Morente

By Dona Dominguez-Cargullo June 11, 2020 - 09:39 AM

Ipinasasailaim sa mandatory COVID-19 tests ang mahigit 3,000 mga opisyal at empleyado ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay Commissioner Jaime Morente, ito ay para matiyak ang kaligtasan ng lahat ng tauhan ng BI at publikong nakikipagtransaksyon sa ahensya.

Kung ang empleyado ay hindi magpapasailalim sa test, hindi siya papayagang makabalik sa trabaho.
Inatasan din ni Morente ang lahat ng BI employees na nakatalaga sa ilba’t ibang Immigration Field Offices at Subports sa bans ana makipag-ugnayan sa kanilang Local Government Units (LGUs) para sa COVID tests.

Kamakailan ay inumpisahan na ng BI medical section ang pagsasagawa ng mass rapid tests sa Main Office ng ahensya, sa Ninoy Aquino International Airport, Clark Airport at sa Detention Facility nito sa Taguig City.

 

 

TAGS: BI, covid 19 tests, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, BI, covid 19 tests, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.