Kaso ng COVID-19 sa Brazil mahigit 770,000

By Dona Dominguez-Cargullo June 11, 2020 - 09:08 AM

Sumampa na sa mahigit 770,000 ang kaso ng COVID-19 sa Brazil.

Sa pinakahuling datos ay umabot na sa 775,184 ang nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa matapos na makapagtala ng mahigit 33,000 na bagong kaso sa magdamag.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa Brazil dahil sa COVID-19 ay mahigit 39,000 na.

Ang Brazil ay pangalawa na sa mga bansa sa mundo na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19 kasunod ng Estados Unidos.

Habang pangatlo na ito sa mga bansang mayroong pinakamaraming bilang ng nasawi dahil sa COVID-19.

 

 

TAGS: Brazil, covid cases, covid deaths, covid pandemic, COVID-19, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Brazil, covid cases, covid deaths, covid pandemic, COVID-19, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.