Anim na staff ng PH labor office sa Riyadh nagpositibo sa COVID-19
Suspendido pansamantala ang operasyon ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Riyadh, Saudi Arabia.
Ito ay makaraang anim sa mga tauhan ng POLO sa Riyadh ang magpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Labor Attaché Nasser Mustafa, ang pagsuspinde sa operasyon ay para maiwasan ang paglaganap ng sakit sa mga staff ng POLO at upang maingatan ang mga makikipagtransaksyon sa tanggapan.
Ang mga staff na nakasalamuha ng 6 na nagpositibo sa COVID-19 ay sasailalim sa quarantine process.
Isasailalim naman sa disinfection ang tanggapan ng POLO Riyadh.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.