Umuwing OFWs na nag-negatibo sa COVID-19 mahigit 60,000 na

Naglabas ng updated na master list ang Philippine Coast Guard (PCG) ng mga umuwing Pinoy na nag-negatibo sa COVID-19.

Ayon sa Coast Guard as of 9:21 ng gabi ng Miyerkules June 10, ay 60,415 na ang mga OFW na nag-negatibo sa RT-PCR test.

Maaring makita ang master list sa link na ito bit.ly/2XRRJTY

Lahat ng overseas Filipinos kabilang ang mga OFWs, Filipino seafarers, at returning Filipinos na negatibo sa test na ginawa ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs ay makikita sa listahan.

Kung ang pangalan ay nasa listahan, maari nang makipag-ugnayan sa PCG o OWWA personnel na nasa quarantine facility upang maiproseso ang kanilang pag-uwi sa probinsya.

 

 

 

Read more...