Metro Manila, maraming lalawigan sa Central at Southern Luzon patuloy na uulanin

Makararanas pa rin ng pag-ulan sa Metro Manila at maraming lalawigan sa Central at Southern Luzon.

Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA, alas 8:00 ng umaga sa susunod na mga oras ay makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Tarlac, Nueva Ecija, at Zambales.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa Metro Manila, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Ang nararanasang pag-ulan ay dulot ng Low Pressure Area at Southwesterly Windflow.

 

 

Read more...