P3.4M na halaga ng shabu nakumpiska sa BIFF member sa Maguindanao

By Dona Dominguez-Cargullo June 11, 2020 - 08:14 AM

Aabot sa P3.4 million na halaga ng ilegal na droga ang nakumiska ng Philippine Drug Enforcement Agency – BARMM mula sa isang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at notoryus na karnaper sa sa Maguindanao.

Ikinasa ang buy-bust operation sa National Highway ng Barangay Datu Pinguiaman, sa bayan ng Datu Odin Sinsuat ng mga tauhan ng PDEA-BARMM katuwang ang PNP.

Kinilala ang naarestong suspek na si Jordan Mamasapano alyas Abdul, 29 anyos.

Ang suspek ay mayroon ding standing warrant of arrest para sa kasong paglabag sa Anti Carnapping Act at kasama sa Most Wanted list ng Regional Highway Patrol Unit sa rehiyon.

Nakumpiska sa suspek ang 11 piraso ng transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu.

 

 

 

 

 

TAGS: BARMM, Inquirer News, News in the Philippines, PDEA operation, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs, BARMM, Inquirer News, News in the Philippines, PDEA operation, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.