Governor Generoso, Davao Oriental niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 16 kilometers southwest ng bayan ng Governor Generoso, alas-7:44 ng umaga ng Huwebes (June 11).

May lalim na 150 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Hindi naman nakapagtala ng intensities bunsod ng nasabing lindol.

Hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

 

Read more...