24 na napalayang preso sa Zamboanga City nagpositibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo June 11, 2020 - 07:50 AM

Dalawamput’t apat na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Zamboanga City.

Ayon sa abiso ng Task Force COVID-19 Zamboanga City, ang 24 na dagdag na bagong kaso sa lungsod ay pawang mga napalayang preso.

Sinabi ni Zamboanga City Mayor Beng Climaco ang mga pasyente ay bahagi ng 3rd batch ng mga preso na nabigyan ng release order at nakalaya kamakailan.

Ani Climaco, lahat ng 216 na preso na nakalaya ay kinuhanan ng swab tests at 24 ang nagpositibo habang 173 ang negatibo.

Hinihintay pa ang resulta ng tests ng 19 na iba pa.

Dahil sa 24 na bagong kaso, umakyat na sa 183 ang nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa Zamboanga City.

Mayoon naman nang 138 na gumaling sa COVID-19 sa lungsod at 41 pa ang aktibong kaso.

 

 

 

 

TAGS: covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, persons deprived of liberty, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Zamboanga City, covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, persons deprived of liberty, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.