Ayon kay Dr. Carlos Cortina ng Provincial Health Office (PHO), dalawang panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Cagayan matapos ang mahigit isa’t kalahating buwan na wala itong naitatalang kaso ng virus.
Ang isang kaso ay 21-anyos na babae na nakatira sa Brgy. Naguilian, Lal-lo at duamting sa Cagayan galing ng Cordon, Isabela nitong May 27.
Ang isa pang kaso ay isang 30-anyos na lalaki na residente ng Brgy. Tupang, Alcala at umuwi doon mula sa Pasay City noong June 8.
Nasa quarantine area ng Lal-lo at Alcala ang dalawang pasyente at nakatakdang ililipat sa Cagayan Valley Medical Center (CMC).