Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez simula sa June 15 ay papayagan na ang dine-in sa mga restaurant.
Pero 30% lamang dapat ng full capacity ng establisyimento ang papayagan na makapasok para sa dine-in
Sinabi ni Lopez na nagpalabas na sila ng safety protocol noon pang nakaraang linggo para mapaghandaan ito ng mga establisyimento.
Kabilang dito ang pagkakaroon ng 1.5 meters na layo sa pagitan ng mga upuan at lamesa.
Dapat ding mayroong acrylic o clear glass sa pagitan ng bawat customer.
Magsasagawa naman ng random checks ang DTI sa mga pasilidad sa sandaling magbukas na ang mga ito.