Dine-in sa mga restaurant papayagan na simula sa June 15

By Dona Dominguez-Cargullo June 11, 2020 - 06:41 AM

Inaprubahan na ng Inter Agency Task Force ang panukala na unti-unting payagan na ang dine-in services sa restaurants sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine.

Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez simula sa June 15 ay papayagan na ang dine-in sa mga restaurant.

Pero 30% lamang dapat ng full capacity ng establisyimento ang papayagan na makapasok para sa dine-in

Sinabi ni Lopez na nagpalabas na sila ng safety protocol noon pang nakaraang linggo para mapaghandaan ito ng mga establisyimento.

Kabilang dito ang pagkakaroon ng 1.5 meters na layo sa pagitan ng mga upuan at lamesa.

Dapat ding mayroong acrylic o clear glass sa pagitan ng bawat customer.

Magsasagawa naman ng random checks ang DTI sa mga pasilidad sa sandaling magbukas na ang mga ito.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, dine in, dti, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Ramon Lopez, restaurants, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, dine in, dti, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Ramon Lopez, restaurants, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.