Simula alas 10:00 ng gabi ng Miyerkules (June 10) ay nagpalabas na rainfall advisory ang PAGASA sa Metro Manila at sa mga lalawigan sa Central at Southern Luzon.
Ngayong alas 5:00 ng umaga, sa panibagong rainfall advisory ng PAGASA, nakasaad na magpapatuloy ang nararanasang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, Pampanga, Batangas, Bataan, Laguna, Cavite, Quezon at Nueva Ecija.
Pinapayuhan ang publiko at ang mga local Disaster Risk Reduction and Management Office na bantayan ang weather condition at mag-antabay sa susunod na abiso na ilalabas ng weather bureau.