H. Monroy Street sa Navotas City, isasailalim sa lockdown simula June 11

By Angellic Jordan June 11, 2020 - 12:27 AM

Isasailalim sa lockdown ang H. Monroy Street sa Barangay Navotas West sa Navotas City sa June 11.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, epektibo ang lockdown simula 5:01, Huwebes ng madaling-araw (June 11), hanggang 11:59 ng gabi ng June 15.

Sa tala ng City Health Office, 14 ang nagpositibo sa COVID-19 sa nasabing lugar.

Base aniya sa inisyal na imbestigasyon, sa 14 positibo ay 10 umano ang magkakamag-anak na dumalo sa isang selebrasyon noong May 19.

Patuloy pa aniyang iniimbestigahan ang insidente dahil sa nasabing petsa, umiiral pa ang modified enhanced community quarantine (MECQ) kung saan bawal ang anumang pagtitipon.

“Hangad lamang ng mga patakarang pinaiiral na maproteksyunan tayo. Sa pagsuway dito, nilalagay natin sa panganib ang ating sarili pati na ang ating mga mahal sa buhay,” paliwanag ng alkalde.

“Ayaw natin ng lockdown pero ito ay kailangan para sa ating kapakanan. Bilang napapasailalim sa lockdown, ang mga residente sa H. Monroy ay hindi maaaring lumabas,” dagdag pa nito.

Maaari pa ring lumabas ng kani-kanilang bahay ang mga frontliner o essential worker na exempted ng IATF. Pwede ring lumabas kung mayroong medical emergency.

“Ang mga residenteng lalabas ng kanilang tahanan ay dapat nakasuot ng mask na natatakpan ang ilong at bibig, sumusunod sa 1-2 metrong physical distancing, iiwas na makipagkumpulan at parating maghuhugas ng kamay,” ayon kay Tiangco.

Tiniyak naman ng alkalde na mag-aabot ang Barangay Navotas West ng mga pangunahing pangangailangan ng mga apektadong residente tulad ng pagkain.

TAGS: COVID-19 monitoring, COVID-19 update, H. Monroy Street sa Navotas City, Inquirer News, latest news on COVID-19, lockdown in Navotas City, Mayor Toby Tiangco, Radyo Inquirer news, COVID-19 monitoring, COVID-19 update, H. Monroy Street sa Navotas City, Inquirer News, latest news on COVID-19, lockdown in Navotas City, Mayor Toby Tiangco, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.