Bilang ng pulis na tinamaan ng COVID-19, 382 na
Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa monitoring report hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (June 10), sinabi ng PNP Health Service na umabot na sa 382 ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Nasa 699 na pulis ang itinuturing na probable case habang nanatili sa 776 ang suspected cases.
Sinabi pa ng PNP na umakyat sa 219 na ang total recoveries sa hanay ng pambansang pulisya sa naturang sakit.
Nanatili sa lima ang pumanaw bunsod ng nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.