Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Taguig City, 495 na
Nadagdagan ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Taguig City.
Sa inilabas na update dakong 8:45, Miyerkules ng gabi (June 10), nasa kabuuang 495 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Pinakaraming naitalang kaso ng nakakahawang sakit sa bahagi ng Barangay Fort Bonifacio na may 60 cases.
Narito ang datos sa iba pang barangay sa Taguig:
– Bagumbayan – 10
– Bambang – 12
– Calzada – 22
– Hagonoy – 6
– Ibayo-Tipas – 22
– Ligid-Tipas – 3
– Lower Bicutan – 42
– New Lower Bicutan – 17
– Napindan – 4
– Palingon – 1
– San Miguel – 13
– Sta. Ana – 13
– Tuktukan – 8
– Ususan – 37
– Wawa – 8
– Central Bicutan – 12
– Central Signal – 7
– Katuparan – 3
– Maharlika Village – 13
– North Daang Hari – 36
– North Signal – 7
– Pinagsama – 30
– South Daang Hari – 20
– South Signal – 18
– Tanyag – 4
– Upper Bicutan – 36
– Western Bicutan – 31
Samantala, 1,682 ang itinuturing na suspected cases sa nasabing lungsod.
Nasa 112 residente ang gumaling na sa nakakahawang sakit habang 21 ang pumanaw na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.