Orange Rainfall Warning sa Metro Manila, Zambales at Bataan

July 06, 2015 - 10:30 AM

orange(updated) Kabilang na ang Metro Manila sa sakop ng inilabas na Orange rainfall warning ng Pagasa.

Ayon sa advisory ng Pagasa alas 12:00 ng tanghali ng Lunes, partikular na sakop ng Orange rainfall warning ang Metro Manila, Bataan at Zambales dahil sa habagat na pinalalakas ng bagyong Egay.

Sa ilalim ng Orange rainfall warning, binalaan ng Pagasa ang mga residente sa Metro Manila, Bataan at Zambales dahil sa pagbaha na maaring maidulot ng malakas na buhos ng ulan.

Nakasaad sa abiso ng Pagasa na umabot na sa 15 hanggang 30 mm ang naibuhos na ulan sa nasabing mga lalawigan sa nakalipas na isang oras at maari pa itong tumagal sa susunod na dalawang oras.

Samantala, sa parehong abiso, nakataas ang Yellow rainfall warning sa mga lalawigan ng Cavite, Rizal, Bulacan at Laguna. Nangangahulugan naman ito na umabot na sa 7.5 hanggang 15 mm ang naitalang buhos ng ulan sa nasabing mga lugar sa nakalipas na isang oras.

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang nararanasan sa Pampanga, Batangas, Tarlac, Quezon, at Nueva Ecija na maaring tumagal sa susunod na tatlong oras./ Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: pagasa, Radyo Inquirer, yellow rainfall warning, pagasa, Radyo Inquirer, yellow rainfall warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.