Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 1,730

By Mary Rose Cabrales June 10, 2020 - 09:15 PM

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Miyerkules (June 10, 3:00 PM) nakapagtala ng 18 bagong kaso kaya pumalo na sa 1,730 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 401
Laguna – 500
Batangas – 215
Rizal – 487
Quezon – 127

Nasa 935 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 20 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 152
Laguna – 331
Batangas – 138
Rizal – 237
Quezon – 77

Nadagdagan nag 1 ang COVID-19 related deaths sa rehiyon sa kaya umabot na ito sa 165.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 30
Laguna – 37
Batangas – 26
Rizal – 63
Quezon – 9

TAGS: breaking news, COVID-19 cases in CALABARZON, COVID-19 deaths in Calabarzon, COVID-19 Inquirer, COVID-19 recoveries in Calabarzon, COVID-19 update, DOH COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 cases in CALABARZON, COVID-19 deaths in Calabarzon, COVID-19 Inquirer, COVID-19 recoveries in Calabarzon, COVID-19 update, DOH COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.