Sinabi ni Tess Navarro, ang tagapagsalita ng Muntinlupa LGU, kasabay nito ay namahagi din ang kanilang Gender and Development Office ng masks sa mga residente para sa kanilang proteksyon.
Tiniyak naman nito na nasunod ang physical distancing at iba pang safety protocols sa ginawang distribusyon ng mga manok at masks sa iba’t ibang barangay sa lungsod.
Sa pinakahuling datos, nakapagtala na ng 272 confimed COVID 19 cases sa lungsod, 172 na ang naka-recover at may 66 aktibong kaso.
Una nang nanawagan si Mayor Jaime Frensedi sa kanyang mga kababayan na mahigpit na sumunod sa mga tagubilin para maiwasan na ang pagkalat pa ng nakakamatay na sakit.