6,000 magsasaka nabiyayaan dahil sa rice tariffication law – Sen. Villar
Ikinatuwa ni Senator Cynthia Villar ang pagkakaloob ng mga gamit at kagamitan para sa 6,000 magsasaka mula sa P10-billion Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).
Ang mga benipesyaryong magsasaka ay mula sa iba’t ibang kooperatiba at asosasyon sa Nueva Ecija.
Sa kanyang mensahe sa mga magsasaka, nagpaalala si Villar na hawak na ng mga ito ang mga kinakailangang kagamitan para mapababa ang halaga ng pagtatanim.
“Ito po ang ating programa para mapababa ang inyong production cost at mapalaki ang inyong ani nang sa ganoon lumaki ang kita sa pagsasaka,” ayon kay Villar, na namumuno sa Senate Committee on Agriculture.
Kabilang sa mga natanggap ng mga magsasaka ay 31 four-wheel tractors, 12 rice combine harvesters at dalawang riding-type mechanical transplanters
Nakasaad sa Republic Act no. 11203, P5 bilyong halaga ng mga agri-machinery ang ipapakalat sa 974 bayan sa bansa na may produksyon ng palay hanggang sa 2024.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.