Istriktong safety protocols sa Malacañang, mananatili pa rin
Inihayag ng Presidential Security Group (PSG) na mananatili ang pagpapatupad ng istriktong safety protocols sa loob ng Malacañang Complex.
Ayon kay PSG Commander Jesus Durante, tuloy pa rin ang pagsasagawa ng screening procedures sa mga papasok sa Malacañang.
Kabilang dito ang pagsailalim sa mandatory rapid antibody detection testing at disinfection sa lugar.
Epektibo pa rin aniya ang “no invitation, no entry” policy sa lahat ng bisita sa Malacañang.
Sinabi ni Durante na ang mga event na maaaring daluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ang maliliit na private meetings lamang.
“It shall remain on high-alert status until the environment is safe for the President,” pahayag nito.
Tiniyak din ni Durante na patuloy pa rin ang serbisyo ng PSG troopers para sa pagbibigay ng proteksyon sa pangulo.
“We also ask the public to remain steadfast and obedient in following all existing quarantine guidelines from IATF-EID and DOH,” dagdag pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.