51 pang Filipino sa abroad ang gumaling sa COVID-19 – DFA

Nasa 51 ang bagong napaulat na gumaling na Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang June 10, umakyat na sa 2,346 ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit.

Nasa 5,430 naman ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 51 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 2,702 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Samantala, dalawa naman ang pumanaw pa kung kaya 382 na ang COVID-19 related deaths sa mga Pinoy abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 3,374 na kaso.

Sumunod dito ang Europe na may 856 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 664 naman ang kaso sa Americas at 536 sa Asia Pacific Region.

Read more...