Pulong ni Pangulong Duterte, IATF ipinagpaliban; Public address isasagawa sa June 15

Ipinagpaliban ang pulong ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) sa Huwebes, June 11.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, hindi tuloy ang pulong sa Davao City sa Huwebes.

Sinabi ni Roque na gagawin ang public address ng pangulo sa Lunes, June 15.

June 15 ang huling araw ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Read more...