Hindi papayagan ng pamunuan ng Philippine Military Academy na makasama pa sa parada o ‘trooping the lines’ ang mga hindi graduate ng akademya.
Ito ang pahayag ni Lt. Col. Reynaldo Balido tagapagsalita ng PMA, kaugnay ng inaasahang pagdagsa ng mga politiko at mga kandidato sa eleksyon sa gaganaping Alumni Homecoming sa Sabado.
Giit ni Balido, noon pa naman, ipinagbabawal ang pagsama ng mga ‘adopted members’ o associates sa ‘trooping the lines’ na nakapaloob sa kanilang guidelines at tanging mga regular members lamang ng alumni ang maaaring sumama sa parada.
Subalit aminado si Balido na sa mga nakalipas na anibersaryo ng PMA ay nakakalusot ang mga honorary members.
Kaya sa taong ito, kinausap na nila ang opisyal ng bawat class na may mga adopted member para sila na ang mag-abiso sa kanilang mga kasamahan na hindi regular members na bawal ang mga pulitiko sa naturang okasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.