Metro Manila at ilang lugar sa Luzon, uulanin sa susunod na mga oras

By Angellic Jordan June 10, 2020 - 01:27 PM

Asahang makakaranas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon, ayon sa PAGASA.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 1:02 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Tarlac, Nueva Ecija, Bataan at Pampanga.

Maliban dito, maaapektuhan din ang Metro Manila; Cavite; Taytay, Angono, Morong at Teresa sa Rizal; General Nakar, Tiaong at Real sa Quezon; Hagonoy, Norzagaray sa Bulacan; Luisiana, Cavinti sa San Pablo sa Laguna; Malvar sa Batangas.

Sinabi ng PAGASA na uulanin ang mga nabanggit na lugar sa susunod na dalawang oras.

Bunsod nito, nagpaalala ang PAGASA sa mga residente na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

TAGS: Inquirer News, Radyo Inquirer news, thunderstorm advisory, weather update June 10, Inquirer News, Radyo Inquirer news, thunderstorm advisory, weather update June 10

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.