Bulacan, Cavite uulanin sa susunod na mga oras

By Dona Dominguez-Cargullo June 10, 2020 - 12:10 PM

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang lalawigan ng Bulacan at Cavite dahil sa thunderstorm.

Sa abiso ng PAGASA, alas 11:50 ng umaga ng Miyerkules, June 10 katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan na may pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa Bulacan at Cavite sa susunod na mga oras.

Ganitong lagay ng panahon din ang mararanasan sa Paranaque at Las Pinas; Jalajala, Pililia at Cardona sa Rizal; Mabitac, Laguna; Ibaan, San Jose at San Pascual Batangas at sa General Nakar, Quezon.

Pinapayuhan ang mga naninirahan sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.

Pinag-iingat din ang mga residente sa bulubunduking lugar na mag-ingat sa posibleng pagkakaroon ng landslide.

 

 

TAGS: Bulacan, cavite, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, thunderstorm, weather, Bulacan, cavite, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, thunderstorm, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.