Dagdag-pondo para sa paglikha ng mga trabaho inihirit ni Sen. Villanueva
Inihirit ni Senator Joel Villanueva sa gobyerno na buhusan pa ng pondo ang mga programa na magiging daan para magkaroon ng mga bagong trabaho.
Sinabi ni Villanueva dapat prayoridad ang mga manggagawa sa isinusulong na recovery plan at pinansin niya na tila napapagtalikuran ang mga ito base sa mga ipinatutupad na mga polisiya at programa ng gobyerno.
“Tingi-tingi ang binigay na pondo sa Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga programa nito. Talo ang manggagawa. Binuksan po natin ang ekonomiya simula noong Hunyo nang walang sapat na transportasyon. Talo ulit ang mga manggagawa. Sa kritikal na panahon ngayon, ang takbuhan po ng ating manggagawa ay ang gobyerno, ngunit napabayaan po ata natin sila,” sabi ng namumuno sa Senate Committee on Labor.
Dagdag din ng senador batid naman niya na kailangan ng ayuda ng mga negosyo ngunit dapat isagawa ito na iniisip ang kapakanan ng mga manggagawa.
Banggit pa ni Villanueva marami pa rin apektadong manggagawa ang hindi nakatanggap ng anuman tulong mula sa gobyerno at aniya sa 2.6 milyon kawani sa formal sector, 657,000 lang ang nabiyayaan ng DOLE.
Samantalang sa higit 30 milyon informal workers, 330,000 lang o higit 10 porsiyento ang nabiyayaan sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers program.
Excerpt:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.