NLEX Harbor Link Project bubuksan na sa mga motorista sa June 15

By Dona Dominguez-Cargullo June 10, 2020 - 09:47 AM

Simula sa Lunes, June 15 ay pakikinabangan na ng mga motorista ang North Luzon Expressway (NLEX) Harbor Link.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, sa sandaling mabuksan na, ang travel time mula Maynila patungong Quezon City ay aabot na lang ng 15 hanggang 20 minuto.

Ngayong araw isinagawa ang huling inspeksyon sa kalsada.

Sa sandaling mabuksan, makikinabang din dito ang mga truck na dati-rati ay bumabaybay sa C3.

Kapag bukas na ang NLEX Harbor Link sinabi ni Villar na mula R10 maari nang makaakyat ang mga truck at mga probadong sasakyan direktso ng NLEX.

Ang NLEX Harbor Link C3-R10 section ay nagdudugtong sa Caloocan Interchange at Road 10 sa Navotas.

 

 

TAGS: caloocan, DPWH, Inquirer News, navotas, News in the Philippines, NLEX North Narbor, Radyo Inquirer, road projects, Tagalog breaking news, tagalog news website, caloocan, DPWH, Inquirer News, navotas, News in the Philippines, NLEX North Narbor, Radyo Inquirer, road projects, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.