George Floyd naihatid na sa huling hantungan

Inihatid na sa huling hantungan sa kaniyang hometown sa Houston si George Floyd.

Nagtipon ang kaniyang mga kaanak at kaibigan para sa huling pamamaalam sa 46 anyos na African American.

Sa halip na malungkot na awitin ay nagpatugtog ng masayang musika bilang pag-aalala sa pagkasawi ni Floyd na nagresulta ng worldwide movement para suportahan ang black community.

Bago ang kaniyang libing, binuksan sa publiko ang kaniyang burol kung saan noong Lunes ay umabot sa 6,000 ang dumating.

Umabot naman sa 500 ang nakipaglibing, kabilang ang mga tanyag na indibidwal.

Nakita ang mga aktor na si Channing Tatum, at Jamie Foxx at ang boxing champion na si Floyd Mayweather.

 

 

 

Read more...