LOOK: Mga lugar na nakapagtala ng mataas na temperatura kahapon, June 9

Nakaranas ng maalinsangan at mainit na panahon ang 5 na lugar sa bansa kahapon Martes, June 9

Ayon sa PAGASA, naitala sa Echague, Isabela ang pinakamataas na temperatura na umabot sa 38.0 degrees Celsius.

Narito naman ang iba pang lugar na nakapagtala ng mataas na temperatura:

Camiling, Tarlac – 36.8 degrees Celsius

NAIA, Pasay – 36.5 degrees Celsius

Tuguegarao City – 36.4 degrees Celsius

Hacienda Luisita, Tarlac – 36.0 degrees Celsius

Paalala ng weather bureau sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at bawasan ang physical activities sa tanghali at hapon para maiwasan ang heat stress.

 

 

 

Read more...