Yellow warning nakataas sa Dinagat Islands; marami pang lalawigan sa Mindanao nakararanas ng pag-ulan
Nagtaas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa Dinagat Islands.
Sa abiso ng PAGASA, alas 8:40 ng umaga, yellow warning na ang umiiral sa Dinagat Islands dahil sa pag-ulan na dulot ng Southwesterly Surface Windflow.
Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar.
Samantala, katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan din ang nararanasan sa Surigao del Norte, Camiguin, mga bayan ng Baliangao, Sapanga Dalaga, Calamba, at Plaridel sa Misamis Occidental; mga bayan ng Dapitan, Sibutad, at Rizal sa Zamboanga del Norte at sa Tawi Tawi.
Mahina hanggang katamtaman naman ang nararanasang pag-ulan sa Nunungan, Lanao del Norte; Surigao del Sur; Mati City at Governor Generoso sa Davao Oriental; mga bayan ng Digos City, Padada at Malalag sa Davao del Sur; Zamboanga del Sur; Zamboanga Sibugay, at Zamboanga City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.