Malawakang “Mañanita Party” ikinakasa ng mga progresibong grupo sa Biyernes, Araw ng Kalayaan

Kasabay ng paggunita ng ika 112 aniberasryo ng Araw ng Kalayaan sa Biyernes, June 12 ay nagkasa ng malawakang pagkilos ang iba’t ibang progresibong grupo.

Pero sa halip na kilos protesta ay tinawag na “Mañanita Party” ang gagawing mga pagkilos.

Sa abiso ng League of Filipino Students – UP Manila lahat ng lalahok sa pagkilos ay inabisuhang magdala ng extra shirt at maraming tubig.

Nag-abiso din ang Movement Against Tyranny na lalahok ito sa aktibidad.

Una nang nagpa-abiso ang Philippine National Police (PNP) na paiiralin ang maximum tolerance sa mga protestang gagawin sa June 12, Independence Day.

Ayon sa PNP, pakikiusapan ang mga magpoprotesta na mapayapang mag-disperse pagkatapos ng sapat na panahon na ibibigay sa kanila ng mga pulis.

 

 

Read more...