Nasawi sa US dahil sa COVID-19 mahigit 114,000 na

Umabot na sa mahigit 114,000 ang bilang ng mga nasawi sa Estados Unidos dahil sa COVID-19.

Ito ay matapos makapagtala pa ng mahigit 1,000 nasawi sa US dahil sa naturang sakit sa nakalipas na magdamag.

Sa pinakahuling datos, ang US ay nakapagtala rin ng halos 19,000 bagong kaso ng sakit.

Sa ngayon ay nasa mahigit 2,045,000 na ang total cases ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mayroong mahigit 784,000 na naka-recover sa COVID-19 sa US at mayroon pa itong mahigit 1.1 million na aktibong kaso.

 

 

Read more...