78 residente sa dalawang kalye sa Parañaque nagpositibo sa rapid test sa COVID-19
Sa isinagawang mass testing sa dalawang kalye sa Barangay San Dionisio sa Parañaque City na isinailalim sa lockdown, halos 80 na residente agad ang nagpositibo gamit ang rapit testing kit.
Ayon kay Parañaque City Health Officer Dr. Farius Sebastian, sa 1,689 na residente ng Tramo I at Tramo II ay 78 an nagpositibo sa rapid test.
Silang lahat ay isinailalim na sa confirmatory test gamit ang RT-PCR.
Pansamantala silang nakasailalim sa home quarantine.
Kung may magpopositibo sa isinagawang swab test ay agad silang ililipat sa isolation facility ng lungsod.
Ang Tramo I at Tramo III ay isinailalim sa calibrated lockdown mula June 4 hanggang June 6 dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.