Ito ay dahil sa nararanasang patuloy na pag-ulan bunsod ng umiiral na Southwesterly Windflow.
Sa abiso ng PAGASA alas 5:30 ng umaga ngayong Miyerkules, June 10, yellow warning ang umiiral sa Dinagat Islands at Surigao Del Norte.
Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar at landeslides sa bulubunduking lugar.
Samantala, katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan sa Davao de Oro.
At mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang umiiral sa Surigao del Sur, Davao Oriental, Zamboanga del Sur, at Zamboanga Sibugay.
MOST READ
LATEST STORIES