DOTr nagdagdag ng dalawa pang ruta para sa rationalized bus routes sa Metro Manila

By Dona Dominguez-Cargullo June 10, 2020 - 05:55 AM

Simula ngayong araw, June 10 mayroong dalawa pang dagdag na bagong ruta sa ilalim ng rationalized bus routes ng Department of Transportation (DOTr).

Ayon sa DOTr, may bibiyahe na ring bus ngayong araw para maserbisyuhan ang mga pasahero sa sumusunod na mga ruta:

• Monumento-PITX
• PITX-General Mariano Alvarez, Cavite

Simula noong unang araw ng Hunyo nang isailalim sa General Community Quarantine ang Metro Manila ay unti-unti nang nagdagdag ng ruta ang DOTr para sa mga bibiyaheng bus.

Narito ang mga operational nang ruta:

– Portion of Route E (EDSA Carousel)
*to augment MRT-3/partial operational
– Route 1 (Monumento-Balagtas)
– Route 3 (Monumento-Valenzuela Gateway Complex)
– Route 5 (Quezon Avenue-Angat)
– Route 7 (Quezon Avenue-Montalban)
– Route 8 (Cubao-Montalban)
– Route 9 (Cubao-Antipolo)
*to augment LRT-2
– Route 11 (Gilmore-Taytay)
– Route 13 (Buendia-BGC)
– Route 17 (Monumento-EDSA Taft)
*to augment LRT-1
– Route 18 (PITX-NAIA Loop)
– Route 21 (Monumento-San Jose Del Monte)
– Route 24 (PITX-Alabang)
– Route 25 (BGC-Alabang)
– Route 28 (PITX-Dasmariñas

Kasabay ng pagsisimula ng GCQ sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan ay nagsimula ang operasyon ng mga Point-to-Point (P2P) Buses, taxis, Transport Network Vehicle Services (TNVS), at PUBs na may nakatakdang mga ruta.

 

 

TAGS: bus routes, covid pandemic, COVID-19, department of health, dotr, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, P2P buses, pitx, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, bus routes, covid pandemic, COVID-19, department of health, dotr, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, P2P buses, pitx, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.