Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 347

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (10PM, Martes, June 9) , nasa 347 na ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kung saan 7 ang bagong bilang ng nadagdag habang 132 ang active cases.

Nadagdagan ng 2 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 78.

Ang kabuuang bilang sa ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 557.

Samantala, nasa 82 ang bilang ng probable habang nasa 465 naman ang bilang ng mga suspected sa lalawigan.

 

 

Read more...