Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 2,452 ang bilang ng mga kumpirmado kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 11:00, Martes ng gabi (June 9).
Sa nasabing bilang, 2,354 ang COVID-19 cases na may kumpletong address.
2,285 namang kaso ang na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 909 naman ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
1,179 naman ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod habang 197 ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 1,361 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES