Bicol, nakapagtala ng tatlo pang kaso ng COVID-19
Nadagdagan pa nang tatlo ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Bicol region.
Ayon sa Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) Bicol, ang tatlong kaso ay naitala sa ikatlong distrito ng Albay.
Isa sa tatlong bagong kaso ay nurse na naka-duty sa isang quarantine facility.
Dalawang pasyente naman ang nagpositibo sa Guinobatan, Albay at kapwa nakasailalim na sa quarantine.
Sinabi ng DOH CHD – Bicol na asymptomatic ang tatlong bagong COVID-19 cases.
Dahil dito, pumalo na sa 80 ang confirmed COVID-19 cases sa Bicol region hanggang June 9.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.