Pamimigay ng ayuda sa mga estudyante sa Navotas City, sinimulan na

By Angellic Jordan June 09, 2020 - 02:33 PM

Sinimulan na ang pamamahagi ng educational assistance sa mga high school student sa Navotas City.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, nabigyan na ng P5,000 ayuda ang ilang estudyanye sa Tanza National High School.

“Bahagi po ito ng P5.5 million na inilaan natin para sa tulong pang-edukasyon ng mga indigent na mag-aaral noong nasa Kongreso pa tayo,” pahayag ng alkalde.

Aabot sa 1,100 estudyante ang mapagkakalooban ng naturang benepisyo.

“Ang mga mag-aaral ng Tanza NHS at Kaunlaran HS ay nahuling bigyan dahil naabutan ng pandemya. Nawa’y makatulong ang ayudang ito sa kanilang pamilya lalo na sa pasukan,” dagdag pa ni Tiangco.

TAGS: COVID-19 response, educational assistance for students, educational assistance for students in Navotas, Inquirer News, latest news on COVID-19, Mayor Toby Tiangco, Navotas City, Radyo Inquirer news, COVID-19 response, educational assistance for students, educational assistance for students in Navotas, Inquirer News, latest news on COVID-19, Mayor Toby Tiangco, Navotas City, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.