Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, 17 naman sa 18 health workers na nagkasakit at gumaling sa COVID-19 ang nabigyan ng tig-P100,000 na ayuda.
Dalawa naman sa mga health workers na namatay ang hindi mabibigyan ng P1 milyon dahil sa eligibility issue.
Sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act, bibigyan ng P1 milyon ang mga health workers na namatay sa COVID-19 at P100,000 naman sa mga gumaling.
Sa talaan ng DOH, 32 health workers ang namatay dahil sa COVID-19.
Una na ring nagalit si Pangulong Duterte sa DOH dahil sa mabagal na pagbibigay ng pinansyal na ayuda.
Ngayong araw, June 9 ang ibinigay na deadline ng pangulo sa DOH sa pagbibigay ng kompensasyon sa mga health workers na tinamaan ng COVID-19.