Pamilya ng 26 ng health workers na nasawi sa COVID-19 naabutan na ng P1M ayuda

By Chona Yu June 09, 2020 - 12:58 PM

Naibigay na ng Department of Health (DOH) ang tig-isang milyong pisong ayuda ng pamahalaan sa pamilya ng 26 na health workers na nasawi dahil sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, 17 naman sa 18 health workers na nagkasakit at gumaling sa COVID-19 ang nabigyan ng tig-P100,000 na ayuda.

Dalawa naman sa mga health workers na namatay ang hindi mabibigyan ng P1 milyon dahil sa eligibility issue.

Sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act, bibigyan ng P1 milyon ang mga health workers na namatay sa COVID-19 at P100,000 naman sa mga gumaling.

Sa talaan ng DOH, 32 health workers ang namatay dahil sa COVID-19.

Una na ring nagalit si Pangulong Duterte sa DOH dahil sa mabagal na pagbibigay ng pinansyal na ayuda.

Ngayong araw, June 9 ang ibinigay na deadline ng pangulo sa DOH sa pagbibigay ng kompensasyon sa mga health workers na tinamaan ng COVID-19.

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, doh, general community quarantine, Health, healthcare workers benefits, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, doh, general community quarantine, Health, healthcare workers benefits, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.