Insidente ng karahasan sa mga bata at babae simula nang pairalin ang lockdown umabot na sa halos 4,000
Halos 4,000 na ng kaso ng karahasan laban sa mga bata at babae ang naitala sa bansa mula nang ipatupad ang lockdown noong Marso dahil sa COVID-19.
Sa report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso, base sa rekord ng 1,945 ang naitalang kaso ng violence against women habang mahigit sa 1,700 ang naitalang karahasan laban sa mga bata.
Ipinatupad ang enhanced community quarantine noong March 14.
Ayon sa ulat ng pangulo, tinutugunan na ng Philippine Commission on Women (PCW), ang kapakanan ng mga babe at mga bata.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.